REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
LUMBAN LAGUNA
Philippine Standard Time
Panunumpa sa Katungkulan! |
March 16, 2026 - 01:35 PMIsang taos puso pong pagbati at pagkilala sa mga bagong halal na opisyal ng Lumban Tourism Council.
Kamakailan ay pormal ng nanumpa sa ating Punumbayan Mayor Belen Raga, bilang tanda ng kanilang pagtanggap sa mahalagang tungkulin na pangunahan at higit pang paunlarin ang sektor ng turismo sa ating bayan.
Nawa’y magsilbi itong panibagong simula ng mas masigla at mas makabuluhang pagtutulungan upang maitaguyod ang mga programa at proyektong magpapalakas sa turismo at magbibigay ng mas maraming oportunidad para sa ating mga kababayan.