Lumban Logo
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
LUMBAN LAGUNA
Philippine Standard Time

𝗞𝗮𝗶𝘀𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗟𝘂𝗺𝗯𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗱𝗶𝗿𝗶𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗪𝗼𝗺𝗲𝗻’𝘀 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵 𝗖𝗲𝗹𝗲𝗯𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗯𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗿𝘀𝗼.

March 2, 2026 - 03:25 PM

Sa pangunguna ni Mayor Belen Raga, kasama si Vice Mayor Ernie Rivera Baldovino at ang bumubuo ng Sangguniang Bayan, buong suporta nating ipinagdiriwang ang lakas, talino, at mahalagang ambag ng kababaihan sa ating komunidad.
Ang selebrasyong ito ay pagpupugay sa kanilang dedikasyon sa pamilya, serbisyo publiko, at iba’t ibang larangan ng lipunan. Patuloy tayong magsusulong ng mga programang nagbibigay-kapangyarihan sa kababaihan at nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay, respeto, at oportunidad para sa lahat.
Mabuhay ang kababaihan ng Lumban! 💜
Back