Lumban Logo
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
LUMBAN LAGUNA
Philippine Standard Time

Magandang umaga po Lumbeños!

March 12, 2026 - 10:09 AM


Atin pong ipinapaabot sa ating mga kababayan na bukas na po ang Animal Bite Treatment Center (ABTC) ng Municipality of Lumban sa ating Super Health Center na magsisimula sa darating na lunes March 9,2026 dahil dito ang gamot ay libre ngayong buwan ng Marso bilang pagdiriwang ng Rabies Awareness Month.

🗓 Araw ng serbisyo: Lunes at Huwebes lamang
⏰ Oras: 1:00 PM – 3:00 PM

Kung kayo po ay nakagat o nakalmot ng alagang aso o pusa, huwag nang mag-atubiling magtungo agad sa ating health center upang mabigyan ng agarang lunas at bakuna laban sa rabies. Ang maagap na pagpapagamot ay susi sa kaligtasan.

Para sa kalusugan at kapakanan ng bawat Lumbeño, tayo po ay magtulungan at maging responsable sa pag-aalaga ng ating mga alagang hayop.

Maraming salamat po.
@highlight 

Back