REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
LUMBAN LAGUNA
Philippine Standard Time
Congratulations Mayor Belen Raga!
March 16, 2026 - 01:36 PM| Isang taos-pusong pagbati kay Mayor Belen B. Raga sa matagumpay na pagtatapos sa Leadership and Governance (LeGo) Fellowship Program ng Jesse M. Robredo Foundation.
Sa loob ng pitong buwan, inyong ipinamalas ang dedikasyon at tunay na malasakit sa paglilingkod sa pamamagitan ng patuloy na pagpapalalim ng kaalaman sa participatory governance at people-centered leadership. Ang pagkilalang ito ay patunay ng inyong matibay na paninindigan na maglingkod nang may integridad, kahusayan, at malasakit sa mamamayan ng Lumban.