Lumban Logo
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
LUMBAN LAGUNA
Philippine Standard Time

📢 PABATID SA PUBLIKO

March 2, 2026 - 03:26 PM

Inaanyayahan po ng Office of the Provincial Assessor ang lahat na dumalo sa isang Public Consultation kaugnay ng panukalang Schedule of Market Values (SMV) alinsunod sa Republic Act No. 12001 o mas kilala bilang Real Property Valuation and Assessment Reform Act (RPVARA).
Layunin ng konsultasyong ito na:
✔️ Ipresenta ang panukalang market values ng lupa at gusali
✔️ Ipaliwanag ang batayan ng rebisyon
✔️ Mangalap ng komento at mungkahi mula sa mga stakeholder bago ito tuluyang maipatupad
📅 Petsa: March 5 & 9, 2026
🕘 Oras: 9:00 AM onwards
📍 Lugar: Laguna Sports Complex Gymnasium, Brgy. Bubukal, Santa Cruz
Para sa katanungan at kumpirmasyon ng pagdalo, maaaring tumawag sa (049) 501-1522 o mag-message sa mga sumusunod:
📞 Clarisa A. Ferreras – 0969-428-5254
📞 Lea M. Samontesa – 0967-551-0812
📞 Wenceslao R. Tobias – 0966-396-7860
Mahalaga po ang inyong partisipasyon upang matiyak na ang anumang pagbabago ay naaayon sa kapakanan ng ating mga mamamayan. Inaasahan po ang inyong pakikiisa.
Back