REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
LUMBAN LAGUNA
Philippine Standard Time
📢 Pabatid mula sa Pamahalaang Bayan
March 2, 2026 - 03:25 PMBASAHIN | Ipinapaalam po sa lahat na magkakaroon muna ng pagbabago sa iskedyul ng Animal Bite Treatment Center sa ating Super Health Center dahil sa hindi inaasahang delay sa delivery ng mga bakuna na nakalaan para sa ating bayan.
Dahil dito, pansamantala pong maaapektuhan ang pagbibigay ng anti-rabies vaccination hanggang sa maayos at dumating ang suplay. Kami po ay taos-pusong humihingi ng inyong pang-unawa at pasensya.
Makaaasa po kayo na agad kaming maglalabas ng panibagong anunsyo dito sa opisyal na Facebook page ng Municipality of Lumban sa sandaling available na ang ating mga gamot at maibalik sa normal ang iskedyul ng serbisyo.
Patuloy po tayong manatiling nakaantabay sa mga susunod na abiso. Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at pag-unawa.