Lumban Logo
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
LUMBAN LAGUNA
Philippine Standard Time

𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍 |

March 12, 2026 - 10:14 AM
Matagumpay na isinagawa ang 1st Quarter Local Health Board Meeting sa Benigno Aquino Hall, Municipal Building.
Sa naturang pagpupulong ay tinalakay ang mahahalagang usapin kaugnay ng patuloy na pagpapabuti ng mga serbisyong pangkalusugan para sa ating mga kababayan. Bahagi rin ng programa ang pormal na pagpapakilala sa mga bagong itinalagang doktor na maglilingkod sa ating Rural Health Unit (RHU):
• Dr. Erika Badulis – Medical Officer III
• Dr. Lyra Torres – Municipal Health Officer ng Pagsanjan, Laguna
• Dr. Monica De Robles – Rural Health Physician sa ilalim ng Doctors to the Barrios (DTTB) Program
• Dr. Razelle Elaine Gines – Medical Officer III
• Dr. Aeldxienzes Jheoffler Menancio – Dentist II
Ang kanilang pagdating ay malaking tulong upang lalo pang mapalakas ang paghahatid ng dekalidad at maaasahang serbisyong pangkalusugan para sa mamamayan ng ating bayan.
Malugod po namin silang tinatanggap at lubos na nagpapasalamat sa kanilang dedikasyon sa paglilingkod.
Back